This post is in Filipino. Bob Ong slash Atalia-Reyes Mode.
Gusto ko talagang sumali sa mga patimpalak. Ewan ko ba kung sakit ito o makating buni na di matanggal-tanggal pero nasisiyahan talaga ako kung sumasali. Para mamamanhid ka sa thrill na hindi naman sumasakay sa roller coaster. Mapa essay writing, photo contest o tic-tac-toe, talagang kakagat ako dyan.
Baka siguro kasi competitive kami sa bahay. Unahan sa pagkain (kaya kung huli kang magising, matuto kang tumiis ng pandesal), sa remote (bahala kakung cartoons trip ng tatay mo) at sa banyo (pigilan mo, pasensya ka). O kaya sa skul kung saan maninigas ka muna bago ka makaranko nang ika tatlo.
Siguro innate na nga sa akin to dahil sa environment na kinalakihan ko. Palaban sa labanan kahit na-iihi na. Kaya nga nang sumali ako sa dagliang talumpati kanina (extemporaneous speaking) e medyo nasayahan ako. Una, kasi magaling ang kalaban. Pangalawa, kasi may ranko ako-ako ang ikalawang lugal. Nasayahan ako kasi hindi ko ito inaasahan. Parang natatawa pa kasi yung mga hurado sakin kanina. At yung tanong sakin, parang pang-beauty pageant sabi ng kaklase ko.
Yan talaga ang sinasabi nila na kung minsan, di mo hinihingi, kusang pumupunta sa'yo (pa-feel lang to). O kung minsan kahit na nandyan na, mawawala pa (pa-feel din ito).
Hanggang sa susunod na taon.
naks. congrats!
ReplyDelete